Problema sa anak

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Aries, 42 at namomroblema sa aking anak na babae. Fifteen years old na siya at nasa fourth year high school pero tila seryoso siya sa pakikipag-relasyon sa kanyang bf. Nababalitaan ko lang sa iba na may bf na siya pero ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang lalaking ito. Madalas siyang ginagabi ng uwi na hindi naman niya dating ginagawa. Hindi ako nagkukulang ng paalala sa kanya. Alam ko na sa panahong ito, maraming kabataan ang napapahamak dahil sa kapusukan. Kapag tinatanong ko siya, ayaw niyang umamin at sinasabing may group study sa bahay ng kanyang kaklase. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Aries,

Masyadong bata pa ang iyong anak para sa seryosong relasyon. Marahil himukin mo siyang dalhin sa inyong bahay ang kanyang nobyo at kapwa mo sila pagsabihan. Sabihin mo sa lalaki na maayos siyang umakyat ng ligaw at hindi yung sa labas sila nagkikita. Hindi masama ang pakikipag-bf pero kung lumalampas sa boundary ay dapat talagang manghimasok ang isang magulang. Sabihin mo sa kanila na sila’y nasa high school pa lang at dapat maging prayoridad ang pag-aaral sapagkat ang pag-aasawa ay may kaakibat na responsibilidad.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments