^

Para Malibang

In-love sa anak ng amo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin nyo na lang akong Nanding, 21 years old po at isang houseboy sa isang mayamang pamilya sa Quezon City. Tatlong taon na po akong namamasukan dito nang dumating ang dalagang anak ng boss ko na nag-aaral sa Amerika, tumibok agad ang puso ko. Hindi ako makatulog at palagi siyang laman ng isip ko. Napapansin ko rin na mabait sa akin ang anak ng boss ko. Lagi nya akong nginingitian pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya dahil masyadong slang. Okay po bang lumigaw ako sa kanya? Nahihiya kasi ako dahil katulong lang ako. Baka masamain din ng amo ko kung magkakaroon kami ng relasyon. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Nanding,

All is fair in love, wika nga. Walang mahirap o mayaman, walang katulong o amo. Kung kaya ng dibdib mong manligaw, karapatan mo iyan at gawin mo. Hindi ko lang matiyak kung ano ang magiging reaksiyon ng anak ng amo at ng kanyang mga magulang at kaanak kapag ginawa mo iyan. Kasi, hindi pa rin nawawala sa kultura natin na ang mayaman ay para sa mayaman lang. Kahit sino ang nasa kalagayan mo, mangingimi rin siguro. Pero walang masamang subukan mo at baka sakaling magtagumpay ka. Good luck!

Sumasaiyo,

Vanezza

AMERIKA

ANO

DEAR NANDING

DEAR VANEZZA

KAHIT

KASI

LAGI

NAHIHIYA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with