Panaginip: Nanaginip ako na nagmamaneho ako ng trak at sa likuran ay may nakasakay na mga bata. Nang ibinaba ko sila sa kanilang destinasyon, naging mga anak ko sila na teen-agers sa kasalukuyan. Dalawang beses ko na itong napapanaÂginipan at laging gabi ang setting.---La Paloma75
Interpretation: Ang ipinapahayag ng “gabi†ay loneliness. May lungkot kang nadarama bago ka matulog at managinip. Single mother ka ba? Iyon kasi ang ibig sabihin nang mag-isa mong ipinagmamaneho ang mga bata patungo sa kanilang destinasyon. Nang bumaba sa sasakyan ay naging teen-ager. Ibig sabihin ng eksena ay mag-isa mong pinalaki ang iyong mga anak.