Paano matutulungan ang na-trauma? (2)
Kaya importante na maintindin ang iba’t ibang nagiging reaksiyon ng mga taong na-trauma, emotionally at psychologically kung saan kasama sa mga sintomas ang pagkabigla, pagkakaila o hindi paniniwala sa mga nangyari; maaari ring galit, iritasyon o ang pag-iiba-iba ng mood; pagka-guilty, kahihiyan, paninisi sa sarili; kalungkutan at kawalang pag-asa; pagkalito, hirap na magkapag-concentrate; pagÂkabagabag at pagkakaroon ng takot; paglayo sa ibang tao nasa paligid at pagkakaaroon ng pakiramdam na hindi nabibilang sa kaninuman o pagiging manhid.
Kung ang pagka-trauma emotionally at psychologically ay nakakahadlang na sa iyong mga gawain, trabaho dahil sa pagdanas ng matinding takot, paÂngamba o depression; maaaring sa iyong relasyon sa kanino man, nagdudulot ng bangungot o kawalan ng peace of mind at ang matindi ay nag-uudyok sa iyo para hanapin ang comfort sa alcohol o anumang drugs dapat hingin na ang tulong ang isang espesyalista.
Sinasabing isang paraan para makalampas sa emotional at psychological effect ng trauma ay ang pagharap sa mga bagay na kinakatakutan ng isang trauma patient at remedyuhan ang negatibong pakiramdama na dulot nito at kalimutan na ang mga hindi magagandang alaala na naghahatid ng trauma.
- Latest