Mga sanhi ng pagkabaog (2)
Tanong: Saan po ba nagsisimula ang pagkabaog? Apat na beses na pong may nangyari sa amin ng asawa ko. Nagtataka po ako kung bakit di ako nabubuntis. Maraming salamat po. - Cayanan C.
Sagot: Ang pagkabaog ay kapag hindi magkaanak sa loob ng isang taong pagkakaroon ng unprotected intercourse. Maraming dahilan ng pagkabaog na minsan ay dahil sa physical factors at minsan ay dahil sa emotional factors. Sa mga lalaki, ang mga dahilan kaya hindi magkaanak ay dahil sa problema sa ejaculation, impotence, problema sa hormone, sexually transmitted desease o problema sa sperm. Sa mga babae, ang puwedeng maging dahilan kaya hindi magkaanak ay dahil sa sexually transmitted desease o endometriosis, ovulation dysfunction, kulang sa nutrition, hormone imbalance, ovarian cysts, pelvic infection, tumor o transport system abnormality mula sa cervix patungo sa fallopian tubes. Puwede ring hindi magkaanak ay dahil sa mga contributing factors mula sa mag-partners o kaya ay hindi matukoy ang tunay na dahilan. Ang peak ng babae sa fertility ay sa edad 20’s ay kapag nagkakaedad ang babae, bumababa ang tsansang mabuntis. Puwede ring maging dahilan ang mga sumusunod:
Pelvic Inflammatory Disease (PID) – Isang infection sa pelvic o sa isang bahagi ng reproductive organs kabilang ang ovaries, fallopian tubes, cervix o uterus.
Polycystic ovary syndrome (PCO) - Dumadami ang male hormones, lalo na ang testosterone. Kaya hindi nagpro-produce ng egg at nagkakaroon ng cysts na puno ng tubig na kapag tumagal ay kumokober sa ovaries.
- Latest