^

Para Malibang

‘Tulo’? Last Part

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Madalas na walang palatandaang makikita sa taong nahawahan na ng klamidia, partikular na sa mga lalaki. Ayon sa estadistika, pito sa bawat sampung babaeng may klamidia ang hindi nililitawan ng mga palatandaan, subalit mas madalas na ang mga lalaki ang nagiging tagapagdala (carrier) na kalimitang hindi rin pinagkakakitaan ng anumang mga sintomas. Maaari ring magkaroon ng klami­dia na kasama ang iba pang uri ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Kung may sintomas, nagkakaroon ng pag-iihing mahapdi kadalasan kung ihahambing sa pangkaraniwan. Nagkakaroon din ng mabahong pangangamoy sa mga ari. Kapwa rin nagkakalagnat ang lalaki at babae. Sa mga kababaihan, nagkakaroon ng malapot at walang kulay na likidong lumalabas mula sa ‘private part.’

Mga palatandaan ng trikonomyasis

Sa mga kalalakihan at kababaihan, nagiging madalas at mahapdi ang pag-iihi, may malubhang pangangati sa paligid ng private area at puwit, at mayroon ding abnormal na pagdurugo. Sa mga kababaihan, nagkakaroon ng makatas na tulong naninilaw, luntian, may mabahong amoy at mabula. Maaari ring kasabay ng trikomonyasis ang iba pang mga uri ng sakit na nakukuha sa pagtatalik.

Mga komplikasyon ng gonorea. Sa mga kababaihan, may pamamaga ang mga tisyu sa kapaligiran ng bahay-bata (pelvic inflammatory disease, PID) na nagiging sanhi ng pagdadalang-tao sa labas ng matris, na may kasamang pagkirot sa paligid ng ‘private area’. Nagdudulot din ito ng pagkabaog. Sa mga kalalakihan, nagkakaroon ng pamamaga ng ari, rayuma at pagkabaog.  May posibilidad na mahawahan o masalinan ng ina ang sanggol ng sakit na ito sa kapanahunan ng pagdadalangtao.

Kumplikasyon ng klamidia. Sa mga kababaihan, may pamamaga ang mga tisyu sa kapaligiran ng bahay-bata (pelvic inflammatory disease, PID), pagdadalang-tao sa labas ng matris o ektopikong pagbubuntis (ectopic pregnancy), pagdurugo pagkaraang makipagtalik, hindi normal na pagreregla, rayuma at pagkabaog. Sa mga kalalakihan, nagkakaroon ng namamagang penis, pagkabaog, rayuma, pamamaga ng mga mata (conjunctivitis, sore eyes), pamamaga at tulo sa lalamunan (pharyngitis).

Kumplikasyon ng trikonomyasis. Kabilang sa mga kumplikasyon ang ingles: pelvic inflammatory disease, PID), pamamaga sa penis (partikular na ang implamasyon ng iskrotum), at rayuma. Sa mga sanggol, nagkakaroon ng pamamaga ng matang kilala sa medisina bilang optalmitis (Ingles: Opthalmitis) ang nahawahang mga sanggol. Kapag hindi nakumpleto ang pagpapagamot, may pagkakataong manumbalik ang karamdaman.

AYON

KABILANG

KAPAG

KUMPLIKASYON

MAAARI

NAGKAKAROON

PAMAMAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with