“NURSE OLGA, ikaw ay lubos kong pinaniniwalaan—na tinulungan ka o iginiya ni Doctor Medina, from the grave so to speak, para iligtas ang buhay ng malubhang pasyente.
“Pansamantala ay nangako sa akin si Nurse Armida na siya ay tatahimik tungkol sa inyo ni Doktor Medina.â€
“P-po? Ano pong tungkol sa amin ni Doctor Medina?â€
“Nurse Olga, hindi tungkol sa romantic relationship or anything—tungkol sa pag-opera ninyo ni Doktor Medina ang ibig kong sabihin.â€
“Oh…akala ko po talaga ay kung ano na.†Napahiya si Olga, buong akala ay natsismis na sila ng yumaong doktor. After all, bata pa at guwapo si Doktor Medina noong nabubuhay pa.
“Tell me pala, Nurse Olga, pati ba bilang ghost or spirit, hindi nagbago ang anyo ni Doctor Medina?â€
“Hindi po nagbago, Dr. Robles. Kaya ko nga po namukhaan agad, base sa picture niyang ipinakita sa akin noon ni Nurse Armida.â€
“Are you telling me na kapag namatay akong ganito katanda, pati multo ko ay ganito katanda rin?â€
“D-Dr. Robles, I’m not sure ho. Basta may mga nakita na akong ilang multo na iba-iba ang edad. Bale tatlo na ho, dito sa Hope Hospital. Una ho si Lola Tindeng. Then ‘yung pugot na ulo ng lalaki na 40s, nasa arinola. Pangatlo ho si Dr. Medina na 30s lang.â€
Namumrublema ang nag-iisang doktor ng Hope. “Alam mo, Nurse Olga, hanggang ngayo’y walang nag-aaplay na doktor dito. Kasi nga’y takot sila sa mga multo. Alam nilang haunted ang Hope.â€
“Pati nga po mga kaibigan kong narses na bagong pasa sa board. Kahit ho ilang buwan na silang nakatengga dahil sa kakulangan ng mapapasukang ospital, ayaw pa rin mag-aplay sa Hope. Mabibihira po pala ang matatapang sa multo,†sabi ni Nurse Olga.
“May naiisip ako na hindi ko masabi kay Nurse Armida. Kasi nga’y ayaw n’on ng mga ideyang kademademanda.â€
Ang matandang doktor ay may ideya, naunawaan ni Nurse Olga. “Ano po ang naisip ninyo, Dr. Robles?â€
“Baka sakaling magpapakitang muli ang ghost ni Dr. Medina, gusto ko siyang makausap, Nurse Olga.†(ITUTULOY)