^

Para Malibang

Balak mo bang magpatanggal ng nunal?

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Makikitang itim o brown spot ang nunal sa ating balat,  maaari itong tukuyin sa iba’t ibang tawag. Pero ayon sa mga health care expert, kadalasan ang nunal ay inborn pero may ilang kaso na lumilitaw ito pagkatapos ng mahabang panahon. Ayon pa sa mga expert, ang pagkakabilad ng nunal sa araw ay maaaring magpalapad dito o maaaring maging dahilan ang pagsulpot ng iba pang nunal— na dahilan naman para ikonsidera ng iba ang pagpapatanggal nito.  Mahalaga rin ikonsidera ang aspetong namamana ang nunal. Dahil sa maraming obserbasyon, napag-alaman na maraming pamilya ang may pare-parehong uri ng nunal. Sa ganitong kondisyon, ipinapaliwanag ng mga expert na may malaking posibilidad umano nang pag-develop ng skin cancer ang isang tao o kahit ang pagkakaroon ng melanoma o tumor sa balat.   Para sa mga nagbabalak na magpatanggal ng kanilang nunal, ipinapayo ng mga expert na dapat itong gawin sa pamamagitan ng surgery, partikular ang excision, na maaaring may tahi o wala, o kaya ang tinatawag na excision na may cauterization— isa itong procedures kung saan sinusunog ang nunal gamit ang iba’t ibang medical apparatus. May laser surgery din naman. Pero para sa hindi iilan, sinasabing hindi umano laging effective ang paraang ito. Dahil hindi naman naaabot ng laser ang ilalim na bahagi ng tissues.

 

vuukle comment

AYON

DAHIL

EXPERT

MAHALAGA

MAKIKITANG

NUNAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with