AYON sa pasyenteng matagumpay na inoperahan, isang babae at isang duktor na guwapo ang magkatulong na nag-opera sa kanya. Pero ang duktor daw ay multo.
Nagkatinginang muli sina Doktor Robles at Nurse Armida. Pareho ng pahayag ni Nurse Olga ang pinatototohanan ng pasyente.
Nakaisip ng tanong ang matandang duktor. “Multo ‘ka mo ang duktor na tumutulong sa babae— bakit hindi ka yata natakot kung multo nga?â€
“Kasi po, nang mga sandaling iyon ay…multo rin ako. Humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Sa akin po ay multo na rin ako. Hindi po pala natatakot sa multo ang isa ring multo.â€
Napapailing si Doktor Robles. Paano ba nila pagdududahan ang mismong pasÂyente?
Lalo pa nga at ito’y nakaligtas sa kamatayan?
Napapabuntunghininga si Nurse Armida. Paano ba idedemanda ang dalagang nagsasabi lang naman ng totoo?
Gagawin ba niyang teknikal ang pagsasakdal kay Nurse Olga? Ididiing ito’y walang karapatang mag-opera dahil hindi naman duktor?
Mali nga sa medical profession na mag-opera ang hindi awtorisado, ang hindi surgeon. Legally wrong ang ginawa ni Nurse Olga.
Pero maraming magsasabing morally right ang ginawang pagliligtas ni Nurse Olga sa pasyente.
Kahit pa hindi paniniwalaan sa hukuman ang multong doctor, ang babasihan pa rin ay ang resulta ng operasyon.
Nakapagligtas ng buhay ang nurse, hindi nakamatay.
Iniwan na muna nila ang pasyente sa tagabantay nito. “Para sa akin, Nurse Armida, walang kaso si Nurse Olga. Ang tunay na nag-opera ay ang multo ni Doktor Medina, ginamit lang ang mortal na katawan ni Olga,†mahabang sabi ni Doktor Robles. “W-wala po muna akong sasabihin, Doctor Robles. Pero kapag po ito nakarating sa medical community, lagot itong Hope Hospital.â€
“We will cross the bridge when we get there, Nurse Armida. Kapag inaakusahan na tayo ng mga tao, saka namin ihahayag ang tunay na nangyari,†napapailing na pahayag ni Doctor Robles. (ITUTULOY)