Palatandaan na masuwerte ang lugar na pagtatayuan mo ng bahay:
Marami bang electric poles o lamp post sa lugar? Hindi maganda kung marami nito sa lugar na pagtatayuan mo ng bahay. Magiging “poison arrow†ang mga ito sa inyong bahay.
Ang mga halaman at damong tumutubo sa paliÂgid ay berdeng-berde at malulusog. Ibig sabihin ay nakakalibot nang maayos ang positive energy sa lugar. Iwasan ang lugar na nanunuyot ang mga tanim sa paligid.
Ang mga hayop (kung mayroon ) ay malulusog.
Ang lupa ay hindi dapat mamasa-masa (wet), marumi at mabuhangin. Malas magtayo ng bahay sa ganitong klaseng lupa. Ang halimbawa ng malusog na lupa ay ‘yung nabibili nating garden soil.
Walang mabahong amoy sa paligid, halimbawa, amoy dumi ng baboy na madalas umaamoy sa isang lugar na may katabing malalaking piggery.
Regular ang shape ng lote.
Ang ideyal na lugar ay may bundok sa likuran ng lote at sa harapan ay may natatanaw na dagat.
Pantay dapat ang lote ngunit kung hindi, dapat ay mas mataas ang lote sa likuran at mababa naman sa harapan.
Maunlad ang buhay ng mga taong nakatira sa paligid. Ang kaunlaran o kahirapan ay parang sakit na nakahahawa.
Walang maruming estero sa paligid.