NAGTUTURUAN pa sina Doktor Robles at Nurse Armida kung sino ang titingin sa nakataob na arinola, na ayon kay Nurse Olga ay may laman na nakababaliw.
“Dok, kayo ho ang umuna, N-nasa likuran n’yo ako.â€
“Nurse Armida, sabay na lang tayo. Okay?â€
Si Nurse Olga ay ayaw sumama sa dalawa, nangingilabot pa siya sa nakita sa arinola.
Noon naman patakbong lumapit ang bantay ng isang pasyente. “Nurse Olga, kailangan na po ni Lola ng arinola!†“H-hayun, miss. Nabitiwan ni Nurse Olga. Kuwan, ikaw na kaya ang kumuha,†sabi ni Nurse Armida sa teenager. Sa loob-loob ng may-edad na nurse, bata pa ito—hindi basta aatakihin sa puso sakaling may makitang kababalaghan. “Okey lang po,†sabi ng teenager, kinuha agad ang nakataob na arinola. Pigil naman ang hininga ng tatatlong medical staff ng ospital.
Titili rin ba ang teenager gaya ni Nurse Olga?
Bitbit na ng dalagita ang kontrobersyal na bagay, obvious na wala itong nakita sa dala; walang anumang laman. Nakahinga nang maluwag sina Doktor Robles at Nurse Armida.
“Please, may nakita po talaga ako,†giit ni Nurse Olga. “Iha, naniniwala kami. May third eye ka kasi na may kakayahang makakita sa mga nagmumulto. Kaya lang kami parang nabunutan ng tinik ni Nurse Armida, kasi’y hindi nga nagpapakita sa amin at sa iba pa rito ang mga multo—nagpaparamdam nga lamang. Hindi masyadong nakakatakot.â€
“Sana pala ay wala ka na lang third eye, Nurse Olga—para hindi ka mamatay-matay sa takot tulad ngayon,†naaawang nasabi ni Nurse Armida.
Wala namang plaÂnong sumuko ang dalagang nurse. “M-may nagsabi ho—ang takot ay nasa isip lamang. Ikukundisyon ko ang sarili ko na huwag nang matakot. Anyway, multo sila, hanggang pananakot lang ang kaya.â€
Natuwang muli ang dalawang matandang kausap.
“Bless you, iha! Tama ka, patapaÂngan lang ‘yan! Hindi malilingid sa Diyos ang iyong determinasyong makapaglingkod sa maysakit! I’m sure hindi ka Niya bibigyan ng hindi mo kaya!â€
KINAGABIHAN, napanaginipan ni Olga ang nasa arinola na halos bumaliw sa kanya. (ITUTULOY)