Ang bawang ay kilalang sangkap sa pagluluto ngunit maraming hindi nakakaalam na ito rin ay mabisang gamot sa impeksiyon sa tenga. Dapat lang ay alam mo ang tamang paraan paano gagamitin ang bawang bilang gamot sa tenga. Narito ang ilang paraan paano makakatulong ang bawang laban sa impeksiyon sa tenga:
Bawang na may linseed oil – Kapag sobrang sakit ng iyong tenga, mabisa ang bawang na pang-alis nito. Magbabad ng 15-minuto ng apat na piraso ng bawang sa maliit na bote na may laman na linseed oil at saka ito idangdang sa apoy. Pisain ang bawang at saka ibalik sa linseed oil at salain. Magpatak ng 2-3 drop ng nasabing langis sa apektadong tenga tatlong beses sa isang araw.
Bawang na may sesame oil – Maaari mo din gamitin ito sa sakit sa tenga. Maglagay ng isang kutsaritang sesame oil sa isang mainit na kawali at ilagay ang pinitpit na bawang. Palamigin ang langis at maglagay ng apat na patak sa tengang sumasakit. Ibabad ang langis sa loob ng tenga sa loob ng 10-minuto.
‘Garlic juice’ – Ang paglalagay ng garlic juice sa tenga ay matandang paraan na para magamot ang impeksiyon sa tenga. Maglagay din ng 2-3 patak ng garlic juice sa tenga at saka humiga. Ang bawang ay mahusay na gamot sa impeksiyon sa tenga dahil mayroon itong antiseptic at anti-inflammatory properties.
Ang dahon naman nito ay maaaring gamitin bilang antibiotic at decongestant kapag nahihirapang makarinig at huminga dahil sa sipon.