Sex Health Benefit (3)

7. Tiwala at intimacy. Ang pakikipag-sex ay bumubuhay sa hormone oxytocin na responsable sa iyong happiness at love. Kung sa tingin mo ay unti-unti nang bumabagsak o di kaya ay nangangambang nawawala na ang iyong partner, sex ang sagot dito. Ang hormone na oxytin ay nagpapatibay ng tiwala at higit na naglalapit sa mag-partner.

8. Panlaban sa cancer.  Ang regular na ejaculation ay nagpapaliit ng iyong tsansang magkaroon ng  prostate cancer. Ayon sa pag-aaral sa  Australia,  ang mga lalaking nag-e-ejaculated ng 21-beses ka­da buwan ay mas maliit ang tsansang mag-develop ng cancer. Sinuportahan ito ng iba pang researches na natuklasang ang sexual intercourse ay nagpapababa ng tsansang magkaroon ng prostrate cancer.

9. Pampalakas ng pelvic muscles. Kapag nakikipag-sex, gumagamit ng ilang muscles at dahil ditto ang regular sexual intercourse ay makakatulong para ma-develop ang mas malakas na pelvic muscles. Ang malakas na muscles, pagsusunog ng calories ay nakakatulong  sa kalusugan ng iyong puso kaya tila makakatulong sa kalusugan ang sex.

10. Prostate Protection.  Karamihan sa fluid na ini-ejaculate  ay nanggagaling sa prostate gland. Kapag tumigil sa pag-e-ejaculate, nananatili ang fluid sa gland na puwedeng mamaga at maging sanhi ng maraming problema. Ang regular ejaculation ay mapapalabas ng mga naturang  fluids para mapangalagaan ang prostate hanggang sa pagtanda. Posibleng magkaroon din ng problema kapag binago ang frequency ng ejaculations. (ITUTULOY)

 

 

 

Show comments