Karaniwang problema ang vaginal dryness kapag menopause na ang babae dahil sa kakulangan sa estrogen (female hormone).
Ang oestrogen ang responsible sa pamimintog ng lining ng vagina para maging elastic ang mga tissues sa palibot ng vagina at para magkaroon ng moisture mula sa cervix. Bumababa ang oestrogen levels sa menopause stage kaya nawawala ang elasticity ng vagina, numinipis ang lining at dry ang pakiramdam. Dahil kulang sa moisture, kakaunti ang ‘friendly’ bacteria para laging maging acidic ang vagina. Kapag hindi masyadong acidic ang vagina, nagkakaroon ng infection tulad ng thrush na nagdudulot ng irritation at discomfort. Lahat ng ito ay makakaapekto sa intercourse kaya hindi magiÂging komportable ang sexual experience. Ito ang dahilan kung bakit maraming mga babae ang nagrereklamo na nasasaktan kapag nakikipagsex sa kanilang menopause stage. Ang isa pang factor ay pagkatapos ng menopause, ang Bartholin’s glands ay hindi na gaanong efficient sa paggawa ng lubricating juices para sa sex.
Mga solusyon sa vaginal dryness
Kung nakakaranas ng vaginal dryness na hindi pa naman nagme-menopause, subukang gumamit ng lubricant na mabibili sa mga drug stores, para sa pakikipag-sex, ayon sa payo ni Dr. Margarette Stearn ng embarassingproblems.com. (Itutuloy)