INIREPORT agad nina Brando at Professor Torres sa kinauukulan ang tungkol sa pambobom-ba ng munting spaceship; kung paano ito nakalabas mula sa bunganga ni Brando at tuluyang lumipad palayo.
“Hindi ko sinasabing nagbalik na sa kanilang planeta ang spaceship, officer. Ang alam ko lang, binomba ang sementadong pader ng basement ko at saka lumabas. Grabe ang fire-power ng spaceship,†pagklaro ng propesor.
Nanlumo ang kausap. “Alam n’yo bang sa isang parking lot, naulat na naminsala rin ang impaktang taga-ibang planeta? Binutas ang gulong ng mga sasakyan, na-terrorize ang mga tao. Grabe.â€
“Let’s just hope na lang po na tuluyan nang aalis ang spaceship at si Morgama,†kinikilabutang dugtong ni Brando.
Nagtanong ang opisyal. “Ibig n’yo bang sabihin, magtatagpo na ang spaceship at ang impakta?â€
“Gano’n nga. Para silang kalesa at kabayo, officer. Nakadepende sa isa’t isa.†MAGKASAMA na nga ang spaceship at si Morgama. Ayon sa nakasaksi, ang impaktang ga-pusa na ang laki ay unti-unting lumiit saka pumasok sa munting spaceship.
Sumirit daw ito ng lipad sa kalangitan.
Pero maghahasik pa pala ng lagim ang taga-ibang planeta.
Sa dagat. Sa disputed area ng China Sea na kini-claim ng maraming bansang Asyano.
Si Morgama ang nasa control panel ng spaceship. Ewan kung ano ang motibo at galit na galit na sa mga tao ang impaktang ito.
Dahil ba sa sobrang init ng panahon sa bahaging ito ng mundo?
Nagpaikot-ikot ang spaceship, lumapit sa mga nasa dagat.
Napansin ito ng mga mangingisda at ng mga nagpapatrulya. Inakala ng marami na ito’y laruang naka-remote control, na naligaw lamang doon. May nagdudang ito ay ‘spyship’, pinalilipad para mag-espiya.
WRRRRRR. Lumakas ang ugong ng spaceship.
Nag-utos na rito si Morgama, sa lengguwahe nito. “&^*^%&gggg<>><?###CCCC><â€
Sa wika ng mundo ito’y simpleng “Attack!â€
KABLOOM. Tinamaan agad ang fishing boat. (3 LABAS)