Kakaibang pagda-diet...
Talaga naman na ang pagda-diet o pagbabawas ng timbang ay napakahirap lalo na sa mga taong nasanay na ang bibig ay palaging may laman at nguya ng nguya. Kaya lang kung kinakailangan mo naman talagang magbawas ng timbang, bakit hindi ito gawin? May ilang kakaibang paraan ng pagda-diet, narito ang ilan:
Kumain sa harap ng salamin – Oo, habang kumakain ay manalamin at titigan ang sarili habang ngumunguya. Ayon sa isang pag-aaral sa Arizona State University at Erasmus University Rotterdam, lumabas na mabisa itong pangontra para lumakas ang iyong pagkain. Ito ay dahil makikita mo sa harap ng salamin na tumataba ka na at kinakailangan mong bawasan ang iyong pagkain. Tiyak na hindi mo rin gugustuhin na makita ang iyong sarili na kumakain ng napakarami.
Kumain kasabay ang “opposite sex†- Kung may kaibigan o kakilala ka naman na maaari mong makasabay sa pagkain, bakit hindi mo siya sabayan? Kung ikaw ay babae, tiyak na mahihiya kang kumain ng marami sa harap ng isang lalaki kahit pa ito ay iyong kaibigan. Marami ng pag-aaral ang ginawa hinggil dito at lumalabas na mas kakaunti ang calories na nailalagay ng isang babae/lalaki sa kanyang katawan kapag sila ay magkasabay na kumakain. In short, nagkakahiyaan kasi sila, lalo na sa babae.
Magpabango sa kamay ng vanilla – Mabisang pangontra ito lalo na sa mga matatakaw sa matatamis. Para matanggal ang iyong pagkasabik na kumain ng matamis na pagkain, maglagay ng kaunting pabango na vanilla ang amoy sa iyong kamay at amuyin ito bago o habang kumakain. Tiyak na mawawalan ka ng gana dahil nabubusog ka na sa amoy nito. Puwede rin naman na magsindi ng kandila na vanilla scented habang kumakain para mawala ang iyong gana.
Huwag kumain habang naka-pajama – Hindi tama na kumain habang nakaupo sa kama at naka-pajama o anumang maluwag na damit. Dahil sa maluwag ang iyong pajama, magkakaroon ka ng ilusyon na ikaw ay payat, kaya naman magkakaroon ka ng kaisipan na dapat kang kumain ng madami.
- Latest