“May Impakta sa tiyan ko” (23)
NAGPATULOY ang media briefing ni Professor Torres tungkol sa impaktang taga-ibang planeta.
“Professor, bakit po labas-pasok sa buÂnganga nitong kapitbahay ninyo ‘yung alien?â€
“Good question, hija. Ayon dito kay Brando, my neighbor, sabi ng impakta—sa tiyan niya nakasumpong ng pansamantalang tahanan si Morgama, the alien.â€
“Morgama po ang ngalan? At nakakapagsalita ng lengguwahe natin?â€
“Tama ka diyan. Ibig sabihi’y super-advance ang karunuÂngan nila. Sabi pa kay Brando, nasa spaceship ang linya ng komunikasayon nito sa planetang pinagmulan.â€
Tatangu-tango ang mga mamamahayag, halatang naaaliw, hindi saktong naniniwala.
“Professor, kailan daw po lalabas sa buÂnganga ni Brando ang taga-ibang planeta?â€
“Anytime daw po. Posibleng ngayon na, mamaya, bukas…â€
Napailing ang karamihan. Wala palang kasiguruhan na mapapatunayan nila ang kini-claim ng propesor. Kung ilalabas ang balita, ito ay ituturing na hearsay, tsismis lamang.
Kung gayo’y halos walang news value; kuwentong barbero lamang.
Biglang namutla si Brando sa kinakukulungang selda. “P-Professor…p-palagay ko’y l-lalabas na.â€
Naglapitan agad ang mga mamamahayag. Hindi sila natatakot sa super-liit na taga-ibang planeta kuno.
“Nakahanda kami, Brando, pati mga guards,†paniniyak ng propesor.
Itinuro ni Brando ang umbok sa tiyan na umuusad. “K-kakaiba po ang movement ngayon ni Morgama, propesor. Pababa-pataas…â€
May nagbiro. “Aba, parang spaghetting pababa, spaghetting pataas. Hi-hi-hi.â€
Nagkainteres ang media, halos hindi na humihinga sa pananabik.
Nakita nilang pinawisan sa noo si Brando, bubug-bubog. Namumutla-kinakabahan ang binata.
Bigla ang paglitaw ng impakta sa bunganga. Napatanga ang lahat.
“Hello po,†pa-cute na sabi nito, kita ang matatalas na ngipin.
“EEEEE!†Tilian sa takot ang kababaihan. (ITUTULOY)
- Latest