Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa mga uri ng gulay at ang benepisyong nakukuha mula sa mga ito.
Bataw – Kilala din bilang bean pod, mayaman sa folate kaya nakatutulong para maiwasan ang stroke. Mahusay din itong pagkunan ng manganese at potassium.
Patani – Minsan napagkakamalan din itong bataw, mabuti naman itong kainin ng mga anemic dahil sa taglay na riboflavin na nakakatulong sa produksiyon ng red blood cells. Nagtataglay din ito ng niacin at phosphorus na tumutulong para mas mapalakas at mapadami ang good cholesterol sa katawan at mapatibay ang buto at ngipin.
Kundol – Tinatawag din itong winter melon at kilalang gamot sa kidney at pampatanggal ng bulate. Kapag niluto ang buto nito at sinamahan ng gatas, nakakatulong ito para magkaroon ng sapat na sperm count ang lalaki.
Patola – Sa English ito ay “luffaâ€. Mahusay pagkunan ng vitamin A, E, C at potassium.
Upo – Sinisipsip nito ang cholesterol sa iyong katawan dahil sa taglay na vitamin C, A at potassium.
Kalabasa - Mayaman ito sa fiber, vitamin C, B, folate at beta carotene.. Nakakatulong ito para magkaroon ka ng malinaw na mata at labanan ang cancer at sakit sa puso.
Labanos - Sa English ito ay “white raddishâ€. Mayaman ito sa vitamin C, folate, fiber, potassium, phosphorus at magnesium. Tumutulong ito na maging normal ang iyong muscles at ugat sa katawan.
Sibuyas - Hindi lang ito pampasarap sa sandwich at iba pang pagkain dahil makakakuha ka rito ng calcium, fiber at chromium.