Kung malala ang mga nararamdamang sintomas ng premenstrual syndrome, narito ang mga bagay-bagay na puwedeng gawin ayon sa embarrrassingÂproblems.com. Ngunit hindi nangangahulugan na mawawala ang premenstrual syndrome kapag ginawa ang mga ito
Regular physical exercise. Maaaring mabawasan ang premenstrual symptoms kapag regular ang pag-eehersisyo.
Agnus castus. Ito ay gawa sa prutas ng chasteberry tree na isang tradisyunal na remedy para sa PMS. Napatunayan ito sa isinagawang pagsusuri ng mga British researchers na nakakatulong sa PMS. Mabibili ito sa mga health food shops.
Special diet. Para sa ating kalusugan, ang dapat nating diet ay low fat, low sugar at mataas sa unrefined starchy foods (low glycaemic index), madaming prutas at fiber. May mga nagsasabing nakakatulong ang diet na ito sa PMS ngunit walang masyadong ebidensiya kung totoo nga ito. Pero ang sigurado ay healthy ito para sa lahat.
Vitamin B6. Karaniwang iminumungkahi ang vitamin B6 ngunit hindi pa napapatunayan ng husto kung talagang nakakatulong nga ito. Kung gusto ninyong subukan, uminom nito ng hindi sosobra sa 50mg a day. Maaaring makasama ang mataas na dosage. Mas makakabuti kung ikonsulta muna ito sa iyong pinagkakatiwalaang doctor.
Bawasan ang stress. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Ang stress sa trabaho, bahay relasyon ay siguradong makakapagpainit ng ulo o ‘makakapagpasabog’ sa taong nasa kanyang premenstrual day. Subukang gawan ng paraan ang inyong mga problema.
Kumunsulta sa doctor. Kung sobrang malala ang mga premenstrual symptoms, kumunsulta sa doctor. Maaari kang bigyan ng gamot para sa hormones ngunit aabot din ng buwan bago ito magkaroon ng resulta.