Dalawang katanungan
Tanong: Paano malalaman na ang bahay ay malas?---R2S
Sagot: Ipasok mo ang isang baby sa bahay na gusto mong malaman kung magdudulot ng good luck or bad luck. Kapag umiyak ang baby pagkapasok ninyo sa bahay nang wala namang dahilan, siguradong napapaligiran ng bad energy ang bahay. Ito ang mainam gawin kung wala kayong alam sa Fengshui o believer kayo ng Fengshui ngunit walang pambayad sa Fengshui expert para mag-check-up sa bahay na nais bilhin.
Tanong: Sa harapan ba ng bahay ang tamang puwesto ng bamboo plants?---Mr. Tiu
Sagot: Yes sa gilid ng magkabilang gate ngunit iwasang ipuwesto sa Southwest dahil masama ang effect sa pagsasama ng mag-asawa. Lagi din itong i-trim dahil mabilis kumapal ang bamboo plant.
- Latest