“May Impakta sa tiyan ko” (20)
NABUHUSAN na ni Brando ng gas ang impakta. Bago pa ito nakailag ay nasilaban na niya ito ng sulo.
BLAB. Kaylaki ng apoy na tumutupok sa taga-ibang planeta.
“Aaaah! Aaahhh!’ Nagtatarang ito, nagpagulong-gulong sa lupa.
“Mamatay ka! Walang kapatawaran ang pagkain mo ng tao!â€
“Gagooo! Tangaaa!†Hindi na hiyaw ng pagdaing ang sinasambit ni Morgama alias Impakta. Nagmumura na ito. “Walang utaaak!â€
Nalito si Brando. Malakas ang apoy pero hindi na niya makita ang impakta. Nasaan na ito?
“Nganga! Ngumanga ka, tanga!†Nakapangunyapit na pala ang impakta sa kanyang baba. Hindi niya maipagpag, takot na makagat.
“M-morgama…tigilan mo na ako, u-utang na loob.†Naunahan na naman ng takot si Brando. Naalala ang kabangisan ng impakta.
“Ibuka mo ang bunganga mo! Kailangan ko nang makapasok!â€
Nasa likod-bahay sila noon. Pawisan na sa takot ang binatang tamad-lasenggo. Kusa na namang ngumanga.
Hindi alam ng dalawa, may nakakasaksi.
Nakita ang pagpasok ng impakta sa bunganga ni Brando; nasaksihan ang pagtanggap dito ni Brando nang pikit-mata.
“Brando?â€
Saka lang namalayan ng binata ang presencia ng kapitbahay. “P-Professor Torres…m-may impakta po sa tiyan ko…â€
“Taga-ibang planeta, sinasakop tayo ng taga-ibang planeta, Brando!†Premyadong propesor si Mr. Torres, eksperto sa extra-terrestrial beings. “Oh my God…â€
“Ayaw akong paniwalaan, professor. Hindi makita sa X-ray ng tiyan ko ang impakta…†Luhaan na, larawan ng kawalang pag-asa si Brando.
DINALA agad ng propesor sa basement ng bahay si Brando. “Kailangang hindi makatakas ang alien sa tiyan mo, Brando. Nakasakay ba ‘ka mo sa spaceship—na nasa tiyan mo rin?â€
Tumango si Brando. “Nasa spaceship ho ang communication line ng planeta ni Morgama.â€
“Morgama ang pangalan ng alien?â€
“Opo, professor. Kumakain ho ng tao.â€
“Alam ko, nakita ko sa flash report sa TV. Dapat talagang hindi makalabas ng mundo ang nasa tiyan mo.†(SUBAYBAYAN)
- Latest