“NAKUPOOO! Si Dagul! Saklolooo!†sigaw ng pastol, takot na takot.
UNGAAA! Atungal ng kalabaw, ewan kung nakikiliti o nasasaktan habang lumalabas sa puwitan ang impakta.
“Tibo, bakit?†Napatakbo palabas ang misis ng pastol.
Itinuro ng lalaki. Higit na nakatatakot at nakadidiri si Morgama alias Impakta sa mga sandaling ito. Umaalingasaw sa baho.
“Uuunnn…†Hinimatay ang misis sa sobrang kilabot.
“Menang ko! Saklolooo!†Sinalo ng pastol ang misis, lalo itong nataranta. “May halimaw na galing kay Dagul!â€
Napagbuntunan ng init ng ulo ni Morgama ang iskandalosong pastol ng kalabaw. Nilundag ito at kinagat sa leeg.
Tsap. Mas tamang sabihing tinapyas ng kagat ng impakta ang leeg ng pastol; napalungayngay ang biktima, sabay bagsak sa lupa.
Patay na ito nang magdatingan ang mga kapitbahay sa bukid.
“Panginoong Diyos, sinalakay ng halimaw si Tibo!â€
“Menang, gising, ano’ng nangyari?â€
“Talasan ang mga mata, mga kabayan! Dapat mahuli ang halimaw! Tiyak na pagkalaki-laki niyon!â€
Nagising si Menang, nahambal sa sinapit ng asawa. “Hu-hu-huu. Tibo, bakit mo ako iniwan? Bagong kasal tayo, mali ito, asawa kooo…â€
ANG ‘halimaw’ ay buwisit na buwisit. Naghugas nang husto ito sa lubluban ng kalabaw. Gigil sa kataÂngahan ng mga tao.
“Pwaah! Pagkalaki-laki ko raw halimaw! Gago sa gamit ng tamang salita ang taga-alaga ng malaÂking hayop!â€
Malakas na naman si Morgama alias Impakta, kahit pansamantala lamang. Nakabawi ito sa pagkakapasok sa tiyan ng kalabaw sa loob ng maraming oras.
Hahanapin na nito ang daang papunta kay Brando. Kailangan na nitong magreport sa pinagmulang planeta. Kailangan nito ang spaceship na nasa tiyan ni Brando.
Maiuulat ng impakta na super-sarap kainin ang tao. Kapag nasakop na nila ang mundo, hindi sila mauubusan ng malinamnam na putahe.
Naigiya siya ng signal mula sa spaceship. Napakabilis na tinahak ng impakta ang kabukiran; tuluy-tuloy sa tamang daan.
PERO nagulat siya kay Brando. “Ano’ng ibinubuhos mo sa’kin?â€
“Gas! Litson ka ngayon, impakta!â€
(SUBAYBAYAN)