Alam n'yo ba?

Alam  n’yo ba na maging ang mga ahas ay mayroon din “ kidney” o bato sa katawan? Oo at ito ay nakahanay sa iisang linya ng kanilang katawan. Matatagpuan ang mga ahas saan mang bahagi ng mundo maliban lang sa Antarctica. Pinaniniwalaang 150 milyong taon na mula ng madiskubre ang kauna-unahang ahas sa mundo. Isa sa mga nakakamanghang karakter ng ahas ay walang permanenteng lugar ang puso nito sa katawan. Ang puso nito ay  nakatago sa tila bag sa loob ng kanyang katawan na tinatawag na sac na gumugulong din sa loob ng kanyang katawan para maprotektahan ito kung may nilulunok na biktima ang ahas.  Nahahanap ng ahas ang kanyang bibiktimahin dahil sa lakas ng vibration na nasasagap niya sa kanyang katawan. Isa sa mga dahilan kaya nagpapalit ng balat ang ahas ay upang maalis din ang mga “parasites” sa katawan nito gaya ng “snake mite”. May ilang uri ng ibon o maging ahas na nakikihalubilo sa mga makakamandag na ahas, kaya naman ang mga ibon at ahas na ito ay hindi na tinatablan ng kamandag o lason nito. Hindi talaga umaatake ang ahas sa mga tao, maliban na lang kung ito ay nasugatan o tila hinamon at pinaglaruan. Ang “snake charming” o pagpapasunod o pagpapasayaw sa ahas ay naging popular sa iba’t ibang bansa, lalo na sa India, ngunit ito ay ipinagbawal na noon pang 1972 dahil itinuturing itong pagmamalupit sa hayop.

Show comments