NATATANAW ng impakta alias Morgama ang malusog na babaing palapit. Nakakubli sa lata ng sardinas, sa basurahan sa kalye, ang pangit na taga-ibang planeta.
Diring-diri pa rin ito sa gagawing pagkain sa mapintog na tao; kasundo lang ni Morgama ang lasa ng litsong manok.
Kaso ay wala siyang magagawa kundi sumunod sa utos ng nakatataas. Kailangang malaman kung masarap makain ang malalaking tao na ayon sa impakta ay kulang sa utak.
Kumpara sa makabagong sibilisasyong pinagmulan, nasa Jurassic age pa ang daigdig ng tao; huling-huli sa modernong kabihasnan.
Luma na, sampung dekada nang hindi ginagamit ng planeta ni Morgama ang cell phones. Sa halip ay naperpekto na ng mga taga-ibang planeta ang mental projection technology o mentatech.
Pati simpleng pagtipa sa solidong bagay ay nakapagpapadala na ng mensahe sa kanilang planeta.
NAPALUNOK ang impakta nang mapalapit na ang malusog na babae. Ito pala ay 70 porsiyentong tubig, 30 porsiyento lang ang buto at laman at taba.
“xxsszzv<>><><vvxxxss?†tanong kay Morgama ng pinuno, nasa kabila ng uniberso.
Sa wika ng tao, ganito ang tanong kay Morgama alias Impakta: “Kainin mo na, ano pa ang hinihintay mo?â€
Nilundag ng impakta sa tapat ng sikmura ang matabang babae, palaka-style. Plag.
Napaigtad ang mapintog na babae, nanlaki ang mga mata, napasigaw sa magkahalong sindak at pandidiri sa pangit na impakta. “Iyaaah! Aaaahh! Nakupooo! Halimaaaww!â€
“Naligo ka ba? Malinis ka ba sa katawan?†magkasunod na tanong ng impaktang alien.
Napipi na sa sindak ang malusog na babae, anumang sandali ay hihimatayin na ito.
Umatake agad si Morgama alias Impakta. Sa leeg. Tsomp.
Parang piranha sa bilis kung kumain ang impakta. Nalaglag ang ulo ng babae, dilat ang mata.
Ewan kung nasarapan ang impakta, sa loob ng isang minuto, halos wala nang nalabi sa biktima. (ITUTULOY)