Isang malaking negosyo ang paggawa ng amulet sa Thailand. Sa Thailand kasi, ang amulet ay sinusuportahan ng paniwala nilang ispiritwal. May koneksiyon sa Buddhism ang kanilang paggamit ng amulet. Hindi sumisikat dito sa Pilipinas ang paggamit ng amulet dahil kontra rito ang Simbahang Katolika.
Ang mismong gumagawa ng Thai amulet ay mga Buddhist monk. Ang authentic Thai amulet ay ginagawa ng mga high ranking monk. Dinadasalan nila ito at niriritwalan bago ipasa sa mga nais bumili. Hindi “bili†ang tawag kung bibili ka ng amulet sa mga monk, ang tawag sa perang ibabayad mo sa amulet ay donasyon. Kung bibili ka sa kanila ng amulet, para ka na rin daw nagbigay ng donasyon para sa pagpapagawa ng temple. Maraming temple sa Thailand dahil magagaling lumikha ng amulet ang mga monk. Dahil sa effectivity ng Thai amulet, marami talaga ang tumatangkilik dito, hindi lang mga Thai kundi mula sa ibang bansa, partikular ang mga Singaporeans. (Next : Iba’t ibang Thai amulet)