‘May impakta sa tiyan ko’ (9)
HABANG naglalasing ay nasa tabi ni Brando ang pusang alaga. Kinakausap ito; ewan kung naiintindihan ng pusa.
“Basta paglabas, sagpangin mo agad, gutayin mo, kainin mo, Ming. Super-pangit ‘yon pero pagtiyagaan mo. Dapat mawala sa mundo natin ang alien from outer space, Ming.â€
Nakatingin sa kanya ang pusa, tila nawiwirduhan.
“Naiintindihan mo ba ako, Ming?â€
“Ngiyaw,†sagot ng alaga.
Kapag nai-dispose na niya ang impakta, saka na isusunod ni Brando ang pamumrublema sa spaceship na nasa tiyan din.
“One step at a time muna,†bulong niya sa sariÂli, tumunggang muli ng alak mula sa long-neck.
Iniisip niya kung ano na ang ginagawa ng impakta sa loob ng kanyang tiyan. Natutulog ba? Nagpapahinga?
Baka naman kumokontak na sa planeta nito? Natitiyak ni Brando na higit na advance ang kaalaman ng mga alien tungkol sa science; baka nga matagal na ito sa digital technology.
Pero kahit pa super-intelligent ang impakta, wala itong panalo kapag ginugutay na at kinakain ng kanyang pusa, matatag na paniwala ni Brando.
“Ang bruhang impakta at Morgama raw ang pangalan. Hinawig pa sa comics character na si Morgam noong late 1980s. Plagiarist pala ang gaga, mangongopya ng ideya ng iba.â€
SA LOOB ng tiyan ni Brando, ang impakta a.k.a. Morgama ay nasa loob ng spaceship. Tama si Brando, nakikipag-ugnayan ito sa planetang pinagmulan. Sariling lengguwahe ang gamit nito, hindi pa kayang intindihin ng mga tao.
Si Morgama ang piloto ng spaceship, wala itong ibang kasama sa pagpunta sa daigdig.
Super high-tech ang lahi ni Morgama. Wala silang visible gadget. Sapat nang idutdot sa dingding ng spaceship ng mensaheng nakaaabot sa planeta nito.
“Bzssxxcvvzz-><>***xxxzzzbiiixxxzzzsss--<><>####†Mahaba ang mensahe ng impakta.
Na sa wikang tao ay ganito ang ibig sabihin: “Pangit na pangit ang mga nilalang; puro higante ang sukat pero mga tanga.†(ITUTULOY)
- Latest