Kahit gaano mo pa kinaiinisan ang iyong ina, mommy o mama, siya pa rin ang nakakaalam kung anong mabuti sa’yo, gaya ng kasabihan “Mother knows bestâ€, lalo na kung ang anak nila ay babae. Narito ang ilang mga pangaral ni Inay para maging matagumpay, matatag ang kanyang anak na babae.
Dapat tandaan na ikaw ay espesyal – Kahit ilan pa kayong babaeng anak sa pamilya, iisa ang sinasabi ng Ina, iba-iba ang inyong pag-uugali, kahinaan at kalakasan. Sa madali’t salita “unique†ang bawat isa, kaya naman “unique†din ang tratong ibinibigay niya sa kanyang mga anak. Kaya palaging sasabihin ni Nanay sa’yo, ikaw ay espesyal at kakaiba.
Matutong tumayo sa sariling paa – Ang babae ay likas na may kahinaan, ngunit kadalasang sinasabi ng mga nanay sa kanyang babaeng mga anak na dapat matutong kontrolin ang mga bagay sa kanyang buhay. Dapat na hawak niya ang kanyang sariling kaligayahan, dahil sa pamamagitan nito ay hindi siya agad maida-down ng kahit na sino.
Maging mabuti sa iba at sa iyong sarili – Palaging sinasabi ng mga Nanay na kapag nagbigay ka ng pagpapahalaga sa iyong sarili, tiyak na bibigyan ka rin ng pagpapahalaga ng iba. Isang paraan ditto ay ang pagbibigay ng ngiti o smile sa iba at sa iyong sarili. Kailangan mo kasing ngitian minsan ang mga bagay na hindi mo na kayang kontrolin o ang mga bagay na nagpaiyak sa’yo ngunit kalaunan ay nagpatatag naman sa iyong pagkatao. Ang simpleng pagngiti ay nakakatulong para gumaan ang iyong pakiramdam sa kabila ng iyong mga alalahanin at problema.
Alamin mo kung anong gusto mo – Kung hindi mo makuha ang isang bagay na gusto o pangarap mo, maaaring muling pag-isipan na ibahin ito. Ngunit hindi ka rin dapat na makuntento sa isang bagay na hindi mo naman talaga gusto. Kaya pag-aralan ang sarili, kung ginawa mo na ang lahat para makamtan mo ang bagay na gusto mo at hindi mo pa rin ito nakuha, maaaring may ibang bagay na talagang nakalaan sa’yo na magpapasaya pa rin sa’yo.
Palaging magdasal - Higit sa lahat, ito ang palaging payo ni nanay, huwag aksayahin ang luha sa lalaking hindi naman karapat-dapat, bagkus padaluyin ang luha sa mata sa pag-iyak sa iyong pananalangin.