MADALAS magutom si Brando mulang pasukin ng spaceship na may alien. Tuwing dalawang oras ay kailangan niyang lamnan ang sikmura.
Saka niya na-realize na ang impakta pa lamang ang nakalabas mula sa kanyang tiyan, tatlo-apat na oras na ang nakalilipas. “N-nasa tiyan ko pa nga pala ang spaceship na super-liit din. Wala bang planong lumabas ‘yon? Kung lalabas—kailan naman kaya?â€
Nanganak pa ng ibang tanong ang unang katanungan: May iba pa bang alien sa kanyang tiyan? Sino ang nagpipiloto sa sasakyang mula sa kalawakan? Kalahi ba ng impakta sa kapangitan?
Noon niya narinig ang kakaibang tunog ng tiyan; hindi kumukulo iyon, mas tunog ng engine na halos bulong sa hina.
Rrrrrr. Rrrrrrr.
Napaigtad si Brando, napamura. “Hinayupak! Umaandar ang spaceship! Buhay ang makina!â€
Paano ba niya mapalalabas ang spaceship mula sa kanyang tiyan?
Payag siyang lumabas ito sa kanyang puwitan; ayaw niyang sa lalamunan dadaang palabas. Baka mawarak na nang husto ang kanyang lalamunan at iba pang mahalagang organs.
“Kukunsulta na ba ako sa duktor?†tanong niya sa sarili.
Kung kukunsulta, ano ang mga posibilidad na gagawin ng duktor? Ipapa-X Ray siya? Malamang na ooperahan, bibiyakin ang kanyang tiyan para mailabas ang spaceship na dalawang sigarilyong pinagpatong ang size .
“Brando, psssst.â€
Lumingon si Brando sa matinis na tinig. Alam niya kung kanino iyon.
Sinagilahan na naman siya ng matinding takot nang makita sa paanan ang bangungot ng kanyang buhay.
Naghagilap ng tapang ang binata. “I-Impakta, bakit ka pa nagbalik?â€
“Sobrang init ng panahon ninyo, Brando, maluluto ang beauty ko.â€
Nais mapatawa nang sarkastiko ni Brando. Super-ugly ang impakta, hindi kailanman maituturing na beauty sa mundo.
“Bukod do’n, kailangan ko nang mag-report at magpahinga.â€
“K-kanina ka magrereport, impakta?â€
“Morgama…tawagin mo akong Morgama.â€
“Sagutin mo ang tanong ko. Kanino ka magre-report? A-ano ang dapat mong i-report?†Hindi niya papapasukin sa bibig ang impakta. (ITUTULOY)