Last part
Magpahinga ng husto. Mga outdoor activities ang uso kapag summer. Bukod sa mas uukupa ito ng physical strength, daragdag pa sa pagkahapo na dulot ng mainit na araw. Kaya isang epektibong paraan para makaiwas sa summer cold ay huwag isagad ang sarili sa mga activities, sa halip ay sikapin pa rin na mas makapagpahinga ang inyong katawan. Ang sapat na pagtulog at pahinga ay nag-i-improve ng immune system, na magandang depensa ng katawan laban sa anumang viral infection.
Isang pang dapat tandaan, hindi lamang bilang panlaban sa summer cold kundi maging sa ibang sakit ay ang madalas na paghuhugas ng kamay para makaiwas sa anumang impeksiyon. Makakatulong din ang pagmumumog ng maliÂgamgam na tubig na may asin para mabawasan ang pananakit ng lalamunan dulot ng sore throat.
May mga pagkakataon naman na nahahawig ang sintomas ng summer cold sa allergies o hay fever; kaya sakaling hindi mag-improve ang pakiramdam sa pag-take ng gamot laban sa sipon, maaaring subukan naman ang allergy medication. Pero gawin ito nang may gabay ng inyong doctor.