Pangakong napako

Dear Vanezza,

Ako po si Lovely. Gusto ko lang po na humingi ng payo kasi po nung 8 yrs. old ako may nagkagusto sa akin pero hindi ko po siya crush nung time na yun at ng bumalik siya rito ng 12 yrs. old na ako, saka ko siya naging crush. May pinasabi pa siya nun na lagi niya akong iisipin at mamahalin  maski di ko ibinigay yung picture ko sa kanya. Dahil sa sinabi niya nagustuhan ko siya lalo at umasa ako na gagawin niya yung sinabi niya kaya lang pagkauwi niya rito hindi nya na ako mahal at may gf na sya. May nagsabi lang po sa akin. Gusto ko siya ng kausapin para masìgurado kung totoo yun kaya lang ‘pag nagkakasalubong kami lagi siyang umiiwas sa akin kaya naisip ko na totoo na may gf na siya. Ano pong payo ang maibibigay n’yo sa akin at paano malalaman kung hindi ka na mahal ng taong mahal mo rati at kung paano mo malalaman na niloloko ka niya.

Dear Lovely,

Gaya ng panahon, maging ang damdamin ng isang tao ay nagbabago rin. Kung noon ay nasabi niyang mamahalin ka niya, maaring hindi na ito ang nararamdaman niya sa’yo ngayon. Maaring pinaglaruan lang niya ang kamusmusan mo. Kaya maging aral sa’yo na hindi dapat agad naniniwala sa mga pangako dahil masakit kapag ito’y napako. Hindi rin dapat agad aasa sa isang bagay na hindi mo alam kung mangyayari nga. Kalimutan mo na siya. Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon ang tulad niyang mapaglaro ng damdamin. Bata ka pa at hindi pa dapat nasasangkot sa masalimuot na mundo ng pakikipagrelasyon. Ituon mo na lang sa pag-aaral ang oras mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments