Albinism?

Narinig n’yo na ba ang sakit na albinism?  Inilalarawan ng mga health care expert ang kondisyong ito, na kakulangan sa pigment o kulay sa balat, mata o buhok ( kasama naman ang balahibo kung sa mga hayop ang pag-uusapan). Sinasabing may iba’t ibang uri ng albinism. Ito ay maaaring may dulot nang pagkakaroon ng pale na balat o kulay ng buhok habang ang ibang kondisyon naman ay nakakaapekto lamang sa  mga mata. Bagaman sinasabing mas prone magka-albinism ang mga batang may asul na mata at ang iba pa na may brown eyes, mahalaga pa rin na pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol dito. Sakaling makumpirmang may albinism ang inyong anak, mahalagang matiyak na hindi siya nabibilad ng matagal sa araw. Alalahanin, na kapag nasa beach ang isang tao ay nag-iiba ang kulay ng kanyang balat. Ito ang manipestasyon ng pagtatrabaho ng melanin- ang chemical na nagbibigay ng kulay sa balat, mata at buhok. 

Dahil ang kemikal na ito ang kulang sa taong may albinism, mapapansin na mas madaling mag-react ang kanilang balat sa araw. Sa madaling salita, mas prone sila sa sunburn. Dahil wala ang proteksiyong naibibigay ng melanin sa kanilang balat. Nabanggit din natin na apektado ng albinism ang mga mata, kaya ang taong nasa kondisyong ito ay nagkakaroon ng problema sa paningin. Sa mga naitalang kaso, naoobserbahan na may pagka-pink o red ang kulay ng mata. Ito ay sanhi ng kakaunting kulay ng irish (ang colored part ng mga mata).

 Ipinapaliwanag ng mga expert na nagiging pink o red kung titingnan ang mga mata ng may albinism dahil ang blood vessel na nasa loob ng mata ( partikular sa retina) ay nakikita sa pamamagitan ng iris.

Karaniwang sensitibo sa liwanag ang dumaranas ng nasabing kondisyon.

 

Show comments