^

Para Malibang

4 ginto kinuha ng mga pinoy sa pagtatapos ng Asian Youth Boxing C’ships

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinuhos ng apat na pambato ng Pi­lipinas ang lahat ng kanilang makaka­ya upang maiuwi ang mga gintong me­dalya na pinaglalaban sa pagtatapos ka­hapon ng 2013 ASBC Asian Confede­ration Youth Boxing Championships ka­­hapon sa Subic Gym.

Napahirapan man ay nagawan ng pa­raan nina Jade Bornea at James Palicte na ma­kuha ang panalo laban ki­na Kosei Tanaka ng Japan at Liu Xiao Shuai ng Chi­na, habang kumbinsidong panalo ang naiuwi nina Ian Clark Bautista at Eumir Felix Marcial laban ki­na Mirazizbek Murza­ha­lilov ng Uzbekistan at Bat­zorig Otgonjorgal ng Mongolia.

Umiskor si Marcial, ang 2011 World Junior champion, ng isang 29-12 panalo kay Otgonforgal pa­ra sa ginto sa light wel­ter­weight division.

Unang sumalang ang World Youth bronze me­dalist na si Bornea kung saan niya binigo si Tanaka, 15-13, sa light flyweight division.

Sunod na umakyat si Bautista na ipinalakas ang bilis at lakas ng mga suntok para yanigin si Mur­zahalilov, 19-10, sa fly­weight division.

Isinantabi naman ni Pa­licte ang katotohanang walong araw lamang siya nagsanay sa national team nang ilusot ang 17-13 panalo kontra kay Liu sa light­weight division.

Ang nasabing isang ling­gong kompetisyon ay nilahukan ng 24 bansa at may ayuda ng MVP Sports Foundation.

ASIAN CONFEDE

EUMIR FELIX MARCIAL

IAN CLARK BAUTISTA

JADE BORNEA

JAMES PALICTE

KOSEI TANAKA

LIU XIAO SHUAI

MIRAZIZBEK MURZA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with