Alam n'yo ba?

Alam n’yo ba na ang oregano ay orihinal na nagmula sa Greece? Bagama’t ito ay kilalang sangkap sa mga pagkain sa Italy, ito ay unang nadiskubre at ginamit na pampalasa sa Greece. Ang oregano ay mula sa salitang Greek na ang ibig sabihin ay “Joy of the mountain”. Naniniwala ang mga Ancient Greeks na ang mga bakang kumakain ng sariwang oregano ay mas malinamnam kumpara sa mga bakang ordinaryong damo lang ang kinakain. Ayon sa ilang pagsusuri noon, ang mga pawikan na nakakain ng maliliit na ahas ay kinakailangan na pakainin agad ng oregano upang hindi ito mamatay. Mabisa rin ang oregano bilang pampakalma ng ugat  at pampagaling ng sakit na nakukuha sa dagat.

 

Show comments