‘Thrush’ sa mga lalaki

Ang ibang lalaking nagkakaroon ng thrush, namamaga ng husto ang foreskin at nagka-crack na posibleng sanhi ng allergy sa yeast.

Ang medical term para sa pamumula at pamamaga ng glans ay balanitis at ang candida ang kadalasang sanhi nito ngunit may iba pang puwedeng maging dahilan nito tulad sa mga natalakay na nating penis problems.

Importanteng ipasuri ito sa doctor para mabigyan ng angkop na medikasyon.

Ang trush sa mga lalaki ay puwedeng maging unang senya­les ng diabetes kaya makabubuting komunsulta sa doctor. Kung my regular na partner, hindi malayong mayroon siyang candida sa vagina. Posibleng hindi niya kailangan ng treatment pero kung lagi kang may thrush, maka­bubuting magpasuri kayo pareho. Susunod nating tatalakayin ang thrush sa mga babae.

 

Show comments