Magkaibang relihiyon
Dear Vanezza,
Ako po si Leti, 25 years old at malapit na sanang ikasal sa bf ko. Nasabi kong sana dahil may problema kami ngayon. Katoliko po ako at ang bf ko ay INC. Ito po ngayon ang nagsisilbing balakid sa aming pagpapakasal.
Gusto ng bf ko na magpabinyag ako sa kanyang relihiyon. Pero tumututol ang mga magulang ko. Ako rin ay tutol sa gusto ng bf ko dahil isa rin akong sagradong Katoliko.
Kaya hirap na hirap ako sa pagdedesisyon ngayon. Sabi ng nobyo ko, kung hindi ako papayag ay mabuti pang maglimutan na lang kami. Tulungan mo po akong magpasya.
Dear Leti,
Mahirap talaga kapag ang usaping namamagitan sa magkasintahan ay relihiyon. Puwera na lang kung papayag ang isa’t isa na manatili sa kani-kanilang pananampalataya kahit kasal na. Sa iyong kaso, mabigat ang kondisÂyon ng iyong kasintahan. Kung hindi ka magpapa-convert ay maglimutan na lang kayo.
Sa ano mang pananampalataya, ang relihiyon ay katumbas ng relasyon sa Diyos na dapat bigyan ng prayoridad.
Kaya kung ang Diyos ang binibigyan mo ng pagpapahalaga, kalimutan mo na lang ang bf mo.
Tutal siya na rin ang may sabi na kung hindi ka magpapa-convert ay mabuti pang maghiwalay kayo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest