Dear Vanezza
Ako po si Turo, 29 anyos at hiwalay sa asawa. Isang taon na mula ng iwanan niya ako at sumama sa ibang lalaki. Naiwan sa akin ang aming anak na babae na 5 years old na. Siguro’y nagsawa na ang asawa ko sa mahirap na buhay. Isa lamang akong mason at nagkakatrabaho lang kapag may project na hindi naman madalas mangyari. Ang ginagawa ko, nagmamaneho rin ako ng tricycle kapag walang proyekto. Hindi naman kami kasal kaya puwede rin akong mag-asawa muli. Mayroon akong nagugustuhan pero natatakot na ako at baka maulit ang aking masaklap na karanasan. Ano ang maipapayo mo sa akin?
Dear Turo,
Ang pag-aasawa ay may kaakibat na malaking responsibilidad. Kung maliit ang iyong bagwis at hindi ka makalipad nang mataas, makabubuting huwag ka munang kumuha ng ka-partner mo sa buhay. Ngunit kung makakakita ka ng babaeng uliran at talagang mamahalin ka sa kabila ng estado mo sa buhay, maganda iyan. Pero sa ngayon tila mahirap hanapin ang ganyang “hiyas.†Talagang ang kahirapan ay madalas maging hadlang sa maayos na pagsasama ng mag-asawa. Magsumikap ka pa sa pagpupundar ng kabuhayan hanggang sa masiguro mo na mabibigyan mo ng magandang kinabukasan ang sino mang babaeng mamahalin mo.
Sumasaiyo,
Vanezza