8--Si Lincoln ay 56 nang pinatay; si Kennedy ay 46. Pareho silang binaril sa ulo nang pataksil. Kasama nila ang kanilang misis nang maganap ang assassination.
9--Parehong Johnson ang humalili sa kanila. Humalili kay Lincoln ay kanyang vice-president na si Andrew Johnson; kay Kennedy ay si vice-president Lyndon Johnson. Ang dalawang vice-president ay miyembro ng southern Democrats at mga dating senador.
10--Parehong may 13 letters ang pangalan nina Andrew at Lyndon. Si Andrew ay namatay noong 13th o f the month; si Lyndon ay 22nd of the month, parehong may suma total na 4.
11--Ang assassin ni Lincoln na si John Wilkes Booth ay isinilang noong 1839; si Lee Harvey Oswald na bumaril kay Kennedy ay ipinanganak noong 1939. Pareho silang binaril at napatay bago simulan ang trial. (Itutuloy)