Kung may mapapansin na tumutubo sa inyong balat particular sa vaginal area tulad ng nasa larawan, ang tawag dito ay Molluscum (ang tamang pangalan ay molluscum contagiosum).
Isa itong infection na sanhi ng virus. Nasasalin ito sa pamamagitan ng skin-to-skin contact, kaya nakukuha ito sa sexual contact.
Ayon sa embarrassingproblems.com, ang molluscum ay parang mga taghiyawat na kulay puti o pink sa balat gaya ng nasa larawan.
Maliliit lang ito at hugis bilog na parang butlig. Kung susuriing mabuti o kung gagamitan ng magnifying glass, makikita na mayroong maliit na dimple sa gitna ang mga butlig na ito. Karaniwan ay tumutubo ito ng ilang piraso na nakakalat sa ibabang bahagi ng tiyan, sa bahagi ng vaginal area o sa may binti malapit sa
vaginal area.
Sa mga lalaki, puwedeng tumubo ito sa penis at sa mga baÂbae puwedeng magkaroon nito sa lips ng vagina.
Minsan mahirap itong ikumpara sa genital warts.
Karaniwang kusang nawawala ang molluscum.
Nakapagtatakang kapag nasugatan ang butlig ay mas mabiÂlis itong nawawala.
Kaya kung pupunta
sa doctor ang gagawin lang nila ay tutusukin ang butlig para palabasin
ang nasa loob nito.
Sinasabing hindi naman mapangaÂnib ang molluscum nguÂnit kapag kinamot
ito, puwedeng magkaimpeksiyon ito.