Ang siguradong yayaman ay may bilugan at mataas na noo na medyo nakaumbok. Sa batang edad nangyayari ang pagyaman. Indikasyon din ng pagiging matalino at mabilis mag-isip ang may mataas at maumbok na noo. Kung magandang makisama, malaki ang tsansang humawak ng mataas at makapangyarihang posisyon.