Sanhi ng pag-ihi sa kama (Enuresis)

Ang mga may problema sa  pag-ihi sa kama sa gabi kapag tulog ay may problema rin sa pag-ihi sa araw. Malamang ay laging nagmamadaling pumunta sa CR (comfort room) para umihi.

Hindi pa matukoy kung ano ang dahilan nito.

Pero ayon sa embarassingproblems.com, kung laging umiihi sa kama, posibleng may mga problemang ganito. Kulang sa kinakailangang muscle at nerve control. Ang pantog ay posibleng hindi nakapag-develop ng kailangang nerve at muscle control kaya ang bladder muscle ay nagko-contract at naglalabas ng bladder kahit hindi pa puno ng ihi. Kung teenager, maaayos pa ito pagtanda.

Nagpo-produce ng sobra-sobrang ihi sa gabi. Posibleng nagpo-produce ng maraming ihi dahil ang mekanismong komokontrol ng urine production sa gabi ay hindi na-develope. Kung teenager pa, maaayos pa ito. Urine infection. Ang urine infection ay maaaring makairita sa pantog kaya mahirap pigilin ang ihi. Alcohol, kape o diuretic medicines. Ang diuretics ay mga gamot para sa high blood pressure at heart problems. Nagiging sanhi ito para mag-produce ng mas maraming ihi. Ipinapayong huwag inumin ang diuretic bago matulog dahil maiihi sa gabi at kung mahina ang pantog, siguradong maiihi sa higaan. May ganito ring epekto ang alkohol at kape kaya iwasan ang mga ito tatlong oras bago matulog. (Itutuloy)

Show comments