^

Para Malibang

From Kuala Lumpur with love (End)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BINASA ni Jayson ang laman ng sulat na alam niyang idineliber mismo ng multo ni Geraldine. “Dearest Jayson, ang address namin sa Manila ay No.2 Mayflower Compound, Edsa Mandaluyong. Tell my parents pinakamamahal ko sila ng mga kapatid ko. Nathan ang ngalan ng pumatay sa akin, nagtatago sa Sabah. Ang bangkay ko ay nasa ilalim ng Sulu Sea, nakatali sa malaking bato. “Sorry po, Inay, Itay, hindi ko natupad na mabigyan kayo ng masaganang buhay. Paalam—Geraldine”.

NANG magbalik sa Pilipinas si Jayson, hinanap agad niya, at natagpuan, ang kapamilya ni Geraldine. Ibinigay niya sa mga magulang ng dalaga ang sulat. Paulit-ulit na binasa at sinuri iyon ng mga ito. Humagulhol nang husto ang ina, nadamang tunay ng nasa sulat. “Sulat-kamay ito ni Geraldine. Nakumpirma ang lagi naming napapanaginipang mag-asawa, na siya ay pinatay at itinapon sa dagat…”

“Ngayo’y kumpleto na ang scenario. Pinatay siya ng nakilalang binata sa Basilan na binigo niya sa pag-ibig. Si Nathan Umasog. Nagtatago pala sa Sabah ang walanghiya.” Nagngingitngit sa galit ang ama ni Geraldine.

Si Jayson ay hindi napigil ang luha, sa habag sa babaing minahal sa Kuala Lumpur. “Geraldine, I miss you babe.” “Sa Kuala Lumpur ba ‘ka mo kayo nagkakilala ni Geraldine, iho?”

“Opo,  tatay. Nu’ng magla-landing na sa KL ang eroplano.” “Iyon ang target destination ni Geraldine. Doon muna siya magtatrabaho saka tutuloy sa Britain.” Hindi mapigil ang luha ng ina. “At least, nakarating sa Kuala Lumpur ang anak ko…multo na nga lamang.”

ANG PROBLEMA, kung paano lulutasin ang krimen, kung paano tatanggapin ng mga imbestigador na ebidensiya ang sulat ng biktima.

“Mawalang-galang na po,” sabi ng hepe sa mga magulang ni Geraldine, habang hawak ang sulat. “Kahit po kasi sinong may malikot na utak ay kayang sumulat nang ganito.”

Kasama si Jayson ng parents ni Geraldine. “Ayaw tayong paniwalaan ng mga awtoridad. Basta ang alam nila, nawawala ang aming dalaga, Jayson.  Paano na ngayon?”

“Tatay, nangako ang pulisya na hahanapin si Nathan Umasog. Umasa na lang po muna tayo…”

Hindi pababayaan ng Diyos si Geraldine, alam nila. WAKAS (Up Next: BOYFRIEND KO SI KAMATAYAN).

vuukle comment

DEAREST JAYSON

EDSA MANDALUYONG

GERALDINE

JAYSON

KUALA LUMPUR

MAYFLOWER COMPOUND

NATHAN UMASOG

SA KUALA LUMPUR

SABAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with