Binaril sa dibdib

Panaginip: May taong bumaril sa aking dibdib ng dalawang beses. Tumawag ako sa ospital para magpadala ng ambulansiya pero walang sumasagot sa akin. Ring lang nang ring ang telepono. Napansin kong naghilom na ang sugat ko at natanggal na ang sakit kaya naligo na lang ako na parang walang nangyari.---Sen

Interpretation: Dala­wang beses kang nasaktan dahil sa kagagawan ng ibang tao. Pero sa pagdaan ng mga araw, nawala na ang sakit ng iyong kalooban at natuto ka nang magpatawad.

 

Show comments