“GERALDINE, this is ridiculous. Walang maniniwalang ikaw ay patay o pinatay. Buhay na buhay ka nga, e,†giit ni Jayson, hawak sa kamay ang bihis nang kasintahan.
“Jayson, nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa iyo. I love you…pero kailangan na tayong magkalayo…â€
“Geraldine, please don’t leave me. Ipasusuri kita sa mga duktor. Ihahanap kita ng magaling na psychiatrist, marami sa ating bansa.â€
“Kailan ka ba maniniwala na ako’y matagal nang patay? Kayhirap mong kumbinsihin, Jayson. Kahit pa nasaksihan mo ang kababalaghan ng pagkatao ko, ayaw mo pa ring maniwala?â€
“Kababalaghan, tama ka. Ikaw ay maraming kababalaghan na kayang remedyuhan o i-analyze ng siyensiya. The fact remains na hindi ka patay.â€
“This is goodbye. Kung nagmamalasakit ka sa akin, puntahan mo sa Pilipinas ang aking mga magulang at kapatid. Balitaan mo sila. Alalang-alala na sila sa akin.â€
“Kaya kong gawin ‘yan. Pero hindi tayo dapat magkalayo, Geraldine, please,†pakiusap na ni Jayson, hinigpitan ang kapit sa paalis nang nobya.
Pero unti-unti nang humulagpos ang kamay na pigil-pigil ni Jayson. “Oh my God…n-nooo…â€
Ang solidong katauhan ni Geraldine ay nag laho, nawala na lamang sa harapan ng binata.
Parang siyang natuka ng ahas; noon lang nakakita ng ganoong napakalaking misteryo si Jayson.
“She’s gone…nawala siyang parang bula…â€
Ano pa bang katibayan ang kanyang kailangan para maniwala?
“Hu-hu-hu-huuu. Geraldine…oh my God…â€
Tumakbo agad siya sa harap ng malaking salamin. Baka naman siya pala ang hindi na buhay? Baka siya pala ang namatay nang hindi niya alam?
Naniniwala si Jayson na makikita niya sa salamin ang katotohanan.
Napamaang siya sa imaheng nasa salamin. Kinusot ang mga mata, kinurot ang sarili. “B-Buhay ako!â€
Buhay siya. Buo ang anyo niya sa malaking salamin. “Hindi ako patay. S-si Geraldine nga ang…patay na.†(3 LABAS)