Problema sa semen (3)

Dugo sa semen - Hindi ka ba kakabahan kapag may nakita kang bahid ng dugo sa iyong semen? Maaaring isipin mong mayroon kang seryosong problema o sakit tulad ng cancer. Hindi naman cancer kaagad dahil ang sanhi ng pagkakaroon ng dugo sa semen at hindi naman lahat seryoso. Ayon sa embarrassingproblems.com, may mga siyentipikong pag-aaral na ginawa tungkol sa pagkakaroon ng dugo sa semen at lahat may conclusion na ang paghahanap  ng dahilan ng pagdurugo ay depende sa edad. Ang mga lalaking 40-gulang pababa, walang makitang sanhi ng pagdurugo at madalas ay kusang mawawala ang dugo sa semen makalipas ang ilang buwan. Trauma o kung nasipa sa singit ang posibleng dahilan ng dugo sa semen. Puwede ring ang dahilan ay mga sexually transmitted disease tulad ng chlamydia, gonorrhoea or trichomoniasis. Sa mga sinurvey na nagkaroon ng dugo sa semen, hindi cancer ang sanhi nito sa mga edad 40-pababa kaya ibig sabihin ay malayong cancer ang dahilan ng dugo sa semen ngunit hindi imposible. Sa mga 40-gulang pataas, malalaman ang sanhi ng pagkakaroon ng dugo sa semen. Posible itong problema sa prostate ngunit hindi naman ito lagi ang dahilan. Posibleng may iba pang dahilan. Posibleng manggaling din ang dugo sa semen mula sa iyong partner lalo na kung magkakaroon pa lang ito ng menstrual period o kung patapos pa lang ang ‘dalaw.’ Kung hindi pa ‘magkakaroon’ o ‘nagkaroon’ ang partner at sa tingin mo ay galing sa kanya ang dugo, baka kailangan mong ipa-check-up ang partner. Gumamit ng condom sa susunod para masigurong sa iyo o sa kanya talaga nanggagaling ang dugo. Ang reproductive system ng mga lalaki ay maraming tubo at posibleng sa isang bahagi ng mga tubong ito nagmumula ang dugo. Ayon sa embarassingproblems.com, kung ang dugo ay pula o pink, posibleng galing ito sa urethtra o ang tubo sa loob ng penis.

Show comments