Hindi kasundo ang ama

Panaginip: Naghihingalo ang aking boyfriend. Hindi ko malaman ang aking gagawin. Dumating ang aking ama pero di niya pinansin ang paghingi ng tulong ko sa kanya. Sinigawan ko siya at sinumbatan na kahit kailan ay wala siyang malasakit sa akin. Hindi nagsasalita ang aking ama at tuloy-tuloy siya sa kanyang kuwarto.---Black Beauty

Interpretation: Kumusta ang relasyon mo sa iyong ama? Ang iyong boyfriend ay simbolo ng “male side” of your personality na nagiging dahilan ng pangit mong relasyon sa iyong ama. Ito naman ay kutob ko lang. Mag-email ka ulit kung totoo. Lahat ng tao ay may male at female personality upang maging balanse ang buong pagkatao.

Show comments