Problema sa semen (2)

Paninigarilyo

Kung gusto ninyong madagdag ang inyong semen, itigil ang paninigarilyo. Base sa surveys, ang mga hindi naninigarilyo ay nage-ejaculate ng average na 3.2mL  na semen habang ang mga naninigarilyo ay 1.9 mL. lang.

Madalas na pakikipag-sex

Natuklasan din sa survey na kapag nag-a­abs­tain sa sex ay mas dumadami ang semen na napo-produce. Ayon sa survey, ang mga lalaking hindi nakipag-sex ng 5-araw ay mas maraming semen. Hindi maiiwasan na magkakaroon ng problema sa semen.

Tinalakay din ito ng embarrassingproblems.com.

Dry orgasm

May pagkakataon naman na nagkakaroon ng orgasm ngunit walang lumalabas na semen. Isang posibilidad nito aybumalik ang iyong semen papunta sa bladder. May naramdaman na sensation ng pag-e-ejaculate ngunit walang fluid na lumalabas sa penis.

Kadalasan, ang muscle sa palibot ng exit hole ng bladder at sumasara ng humihigpit kapag nag-orgasm kaya hindi lumalabas ang semen. Madalas na nangyayari ito pagkatapos ng ope­rasyon sa prostate o kung may diabetis o kung may iniinom na gamot na nagiging sanhi nito.

Puwedeng na-damage ang muscles o nerves kaya nangyayari ito. Puwede ring ipina­nga­nak na mahina ang muscle na nagsa­sara ng bladder. Ka­pag umihi pagkatapos ng sex, ang ihi ay madalas na malabo dahil
mayroon itong semen.Kung biglang nakaranas ng dry orgasm, magpatingin sa doctor dahil baka may bara sa mga tubo.

Show comments