Iresponsableng mister

Dear Vanezza

Tawagin mo na lang akong Leila, 26 years old. Iniwan ako ng a­king asawa at sumama sa ibang babae. May isa kaming anak na 3 taon pa lang. Wala akong trabaho at isang taon na kaming nakasandal sa aking mga magulang na galit na galit sa nangyari. Sa simula pa lang ay iresponsable na ang mister ko. Malakas siyang kumita pero ang iniintrega niya sa akin ay kulang pa sa araw-araw naming gastos. Ang sabi sa akin ng tatay ko ay idemanda ko ang aking asawa. Dapat ko bang gawin ang magdemanda? Kasi alam kong gastos ito at mai-eskandalo ang aming pamilya.

Dear Leila,

May karapatan kang magdemanda pero kaila­ngang mapatunayan mong may kinakasamang babae ang iyong asawa. Totoong gagastos ka, pero kung ang hinahabol mo ay katarungan lalo na para sa nag-iisa ninyong anak na iniwan sa iyo, iyan nga marahil ang dapat mong gawin. Kung hindi lang dahil sa inyong anak ay dapat mo pang ipagpasa­lamat ang kanyang pagkawala.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments