From Kuala Lumpur with love (7)

KAPANSIN-PANSIN  kay Jayson ang iisang damit na suot ni Geraldine sa tatlong okasyong magkakasunod.

At bukod tangi ba itong dalaga na hindi nagdadala ng handbag? Saan ilalagay nito ang mga personal things gaya ng suklay, makeup, wallet, IDs at iba pa?

Gayunma’y hindi nagtanong si Jayson, ayaw mapahiya o mailang ang magandang Pinay na crush niya.

“Hi!” Binati niya ito. Sa entrance ng mall sila nag-meet.

“Hello, Jayson,” ganting bati ni Geraldine. “Hindi ako late, ha?”

“Hindi. Ahead ka nga ng 5 minutes sa  usapan.”

Pumasok na sila sa masiglang bahagi ng mall. Inikot ang iba’t ibang floors; nag-usyoso sa mga paninda sa boutiques.

“Alam mo bang hindi pahuhuli sa ganda ang mga malls natin sa Manila?” pansin ni Jayson.

“Uhumm, I agree,” sagot ni Geraldine pero halatang hindi mapalagay, palinga-linga.

“M-may hinahanap ka ba…?”

“W-wala. Okay lang.”

“You’re mysterious,” nakangiting puna ni Jester.

“Mapansinin ka. Puwede kang imbestigador.”

“Natutunan ko sa aking trabaho sa ad agency sa Manila. Ang maging observant laluna sa mga tao.”

“I’m cold. Giniginaw ako.”

Naka-jacket si Jester, agad itong hinubad at ibinalabal sa dalaga.

“Baka ikaw naman ang maginaw,” may pag-aalalang sabi nito.

“Nope. Mas malamig pa rito ang aircon sa office namin sa ‘Pinas. Kayang-kaya ko, Geraldine.”

Hindi tumutol ang dalaga nang hawakan ni Jester sa kamay nang magalang, masuyo.

“Nami-miss ko ang ganito, Jester.”

“Ang holding hands?” Tumango ang dalaga. “Dati, ganito ka-sweet sa akin ng boyfriend ko.”

“Mahal mo pa rin siya?”

Napaluha si Geraldine, hindi sumagot.

Masuyong kinabig ito ni Jester sa balikat, so tenderly.

 (ITUTULOY)

Show comments