Alam n’yo ba na noong unang panahon pa ay gumagamit na ang mga Chinese emperors ng silver para ipangontra sa germs at bacteria? Ginagamit din nila ito na pantaboy sa masamang espiritu kaya nilalagyan nila ang mga bata ng kuwintas na silver. Sa India naman, ginagamit nilang pangdekorasyon ang silver sa kanilang pagkain at kilala ang ganitong uri ng pagkain bilang “Varakâ€. Ang silver ang isa sa mga kilalang element na kauna-unahang ginamit ng tao sa mundo. Ang bansang Argentina ay mula sa latin name ng silver na “Argentumâ€. Mayroong 1,740,000 silver ang nadiskubre sa buong mundo noong 2007. Mahusay din gamitin ang silver sa pagpapanatili at pagkuha ng init at kuryente. Ikalawa ang silver sa gold bilang element na “malleable†o malambot at magandang hubugin. Ang isang butil ng silver ay maaaring makagawa ng 150 piraso na mas manipis pa sa papel.