‘Closet Queen’

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas na “Closet Queen”. Buong akala ng mga kaanak ko at kaibigan ay tunay akong lalaki. Pinakatagu-tago ko ang aking nararamdaman at talagang walang nakakaalam. Pinilit kong magkaroon ng girlfriend. Dalawa ang naging gf ko pero parehong hindi nagtagal dahil ni hindi ko magawang halikan sila sa labi dahil naaasiwa ako. Sabihin mang kasalanan, nagkakagusto ako sa mga lalaki. Hindi ko lang pinapahalata pero ang pagnanasa ko’y nasa kapwa ko lalaki. Alam kong mali ito kaya hindi makalaya ang aking damdamin. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Closet Queen,

Tama ang ginagawa mong pagsupil sa iyong mga maling pagnanasa. Hindi naman kinokondena ng Diyos ang mga katulad mo basta’t hindi lang gumagawa ng homosexual act. Manalangin ka na bigyan ka ng kalakasan. Maraming kagaya mo na ibinuhos ang oras sa pagsisilbi sa Panginoon. Marami rin sa kanila ay nakapag-asawa’t nagkaroon ng pamilya. Walang imposible sa Diyos. Just pray fervently and He will honor the desires of your heart.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments